Martes, Nobyembre 26, 2013

Sanhi at Bunga: Matutukoy mo ba? 
Prepared By: Reo Paolo M. Uri
Paghandaan Natin
Kung susuriin, simple ang ibig sabihin ng mga kasabihang "kapag may itinanim ay may aanihin "at" kapag may isinuksok ay may madurukot."lahat ng mga pangyayari sa araw-araw nating pamumuhay ay may sanhi at bunga.
Basahin ang sumusunod na talata:
Ilang araw ang pagbuhos ng malakas na ulan. Simula pa noong Lunes, hindi iilang mga mababang lugar sa Maynila. Ang pinasok na ng tubig-estero na umabot na sa ikalawang palapag ng mga natataas na bahay. Sa pagtaas ng tubig-baha ay kasamang nabubulabog ang tambak-tambak na basura sa lahat ng dako. Ang dating baradong mga kanal at daluyan ng tubig ay lalo pang binarahan ng samutsaring basura ng kalunsuran. Ang mga kalye ay lalong nasisira. Paralisado ang mga sasakyan, tanggapan, at mga paaralan. Sino nga ba ang hindi makaalala sa masaklap na nangyari sa Cherry Hills subdivision sa Antipolo City kung saan gumuho  ang lupang kinatitirikan ng ating mga kababayan?
Hindi maikakaila na lumabot nang husto ang lupa sa panig na iyon nang bundok na tinapyas para tayuan ng subdivision.
Ang walang patunguanggang pagkakalbo ng mga puno sa mga bundok at kagubatan ang siyang nakapagpaparugasa ng tubig patungo kapatagan. Kala na ang mga ugat ng puno na dapat sana'y sisipsip at pipigil sa tubig-ulan na maging baha.
Patuloy pa rin ang ilegal na pagtotroso sa kabila ng pagkakaroon ng batas laban dito. Hahayan ba nating maulit ang katuro-lunos sa sinapit ng Ormoc City dahil sa Flash Flood?
END>>>>>>>>

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento